
Normal lamang sa babae ang magbuntis sapagkat ito ay biyayang pinagkaloob ng may kapal. Ngunit nakakabahala na sa panahon ngayon. Pati mga babaeng wala pa sa tamang edad nabubuntis na rin, ang tawag dito ay “Teenage Pregnancy o Maagang Pagbubuntis”.
Ayon sa Philippine Statistical Authority (PSA) noong 2014, kada oras ay may 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers. Ayon naman sa Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS), 14 % nang mga pilipina na may edad 15 hanggang 19 ay buntis na o dikaya ay ina na.
Anu-ano ang epekto ng maagang pagbubuntis?
Una ay ang:
•Pagkasira ng kalusugan
– Maaring maging malungkot, matamlay at walang ganang kumain ang bata dahil sa sitwasyong itinatahak nito.
Pangalawa:
• Pagkasira ng kinbukasan
– Ang maagang pagbubuntis ay maaring magdulot ng sapilitang pagtigil sa pag aaral na maaring makasira sa kanilang magandang kinabukasan. Mahihirapan din silang buhayin ang bata dahil hindi pa nila alam kung ano ang gagawin.


Pangatlo:
•Pangungutya, Pinagtatawanan at Tsinitsismisan ng ibang tao.
– Dahil sa maagang pagbubuntis nagiging laman ng tsismis ang bata at kinukutya ito. Lalo tuloy nakakapag-isip ng abortion. maaring ipapa-abort nila ang bata dahil akala nila ito ang sulosyon sa kanilang problema.
Bakit nga ba may mga kabataang nakakaranas nito?
Hindi maayos na paggabay ng magulang sakanilang anak. Ang isang teenager ay dapat tinutuonan ng pansin dahil madali lang sila mawala sa tamang landas dahil sa impluwensiya ng kaibigan o internet. Kakulangan sa kaalaman ng sex education dahil ang sex education ay nakakatulong hindi lang sa mga bata pati na rin sa mga matatanda.
Para maiwasan ang Teenage Pregnancy, dapat pagtuunan ang mga sumusunod:

• Ang paggamit ng Contraseptives- ang paggamit ng condom at birth control pills ay isa sa mga parran para matigilan ito.
•Sex Education- nakakatulong ito dahil nabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga teenagers sa bagay na ito.
•Pagpapatibay ng realsayon sa magulang- Dapat ang mga magulang ay nagbibigay ng oras sa kanilang mga anak para mapalapit ito at magabayan ng mabuti.
•Pumili ng maayos na babarkdahin at kakaibiganin
•Iwasan manood at malalaswa, hindi naman masama manood. ang masama ay gawin niyo lkung ano ang hindi nakakabuti.
•Umiwas sa temtasyon at umiwas sa mga liblib na lugar upang hindi tayo mapahamak.
Tayo na’t magising sa katutuhanan, Mahirap ang maging batang ina. Dagsa ang mga nakaabang na mga responsibilidad. Wala itong nidudulpt na kabutihan para sa atin sa pag ito ay nakakasira sa ating magandang kinabukasan.
May tamang panahon para mag-kaanak at bumuo ng pamilya. Kailangan ay maging bukas tayo sa mga responsibilidad at pangarap sa buhay upang tayo ay mapunta sa mabuting direksyon.
Para sa karagdagang kaalaman:
References:
http://paraisojr.blogspot.com/2017/09/teenage-pregnancy-maagang-pagbubuntis.html?m=1
https://socapregna.blogspot.com/2018/07/consequences-of-teenage-pregnancy.html
